Handa na ang buong bayan ng Bayambang upang mapagwagian ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa nalalabing tatlong taon ng nasabing matayog na adhikain ng Quiambao-Sabangan administration.
Sa idinaos na Anti-Poverty Summit noong Agosto 14, 2024, sa Balon Bayambang Events Center, ang mga proyektong nakapaloob sa limang development thrusts na tinututukan ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan ay mabusising sinuri ng buong lokal na pamahalaan ng Bayambang kasama ang iba’t ibang organisasyon sa bayan na kinabibilangan ng mga kabataan, senior citizens, PWDs, at lahat ng mamamayan na napabibilang sa anumang antas ng lipunan.
Sa pangunguna ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, iprinesenta ang mga nailatag na PPAs (projects, plans, and activities) sa mga larangan ng Good Governance, Agricultural Modernization, Socio-Cultural Development and Social Protection, Environmental Protection and Disaster Resiliency, at Economic and Infrastructure Development.
Dito ay tiniyak na walang napag-iiwanan sa progreso ng bayan sa pamamagitan ng patuloy na pakikibaka ng LGU upang makamit ang inaasam na tagumpay kung saan lahat ng pamilyang Bayambangueño ay makaaahon sa kahirapan.
“Kahit pa maraming setbacks, dahil ‘di naman maiiwasan yan, huwag tayong tumigil sa pag-abot ng ating goal,” panghihikayat ng resource Speaker na si G. Alfredo Antonio, and Local Convergence Division Chief ng National Anti-Poverty Commission, na isang saksi at katuwang ng LGU simula pa noong taong 2017 sa pag-assess at pagbuo ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028. (SUG/RSO; JMB)