Ang Bayambang LGBT Association ay nagsagawa ng clean-up campaign at ceremonial bougainvillea planting bilang parte ng kanilang pagdiriwang ng Pride Month 2024 at bilang pagsuporta sa Bayambang-wide clean-and bloom campaign ni Mayor Niña Jose-Quiambao na Bali-Bali Bayambang 2.0.
Sa pamumuno ni President Sammy C. Lomboy, ang asosasyon ay sabayang naglinis at nagtanim ngayong araw, June 17, 2024, sa Brgy. Del Pilar, Magsaysay, at Bical Norte, katuwang ang Rotary Club of Bayambang, SK Federation of Bayambang, at Binibining Bayambang Foundation.