Bayambang, Nag-host ng Kick-off ng 20th NDHM Celebration ng PDA-Pangasinan Chapter

Ang bayan ng Bayambang ay napiling maging host ng kick-off ceremony ng Philippine Dental Association – Pangasinan Chapter sa kanilang pagdiriwang ng 20th National Dental Health Month (NDHM) Celebration, ngayong araw, January 30, 2024.

Ang kick-off ay ginanap sa pamamagitan ng isang Zumba session sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

Winelcome ni Dr. Dave Francis Junio ng RHU I ang mga kapwa dentista sa Pangasinan.

Dumalo naman si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan upang magbigay ng mensahe sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Ang opisyal na pagbubukas ng National Dental Health Month ay pinangunahan ni Dr. Arnold Wendell V. Padilla, ang Pangasinan Chapter President ng PDA, at sinundan ng pagtalakay tungkol sa NDHM Poster at Campaign Against Illegal Practice of Dentistry Posters. (ni Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: JMB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *