Bayambang, Naghost ng 3Q LCDOP 2023 Meeting

Noong  ika-12 ng Setyembre, 2023, idinaos ang Provincial Meeting ng mga Local Cooperative Development Officers ng Pangasinan (LCDOP) para sa ikatlong kwarter ng taon sa Balon Bayambang Events Center.

Naroon sa pagpupulong ang representante ng Cooperative Development Authority (CDA) na si Cooperative Development Specialist Maricel G. Ruedas, kasama sina LCDOP-Region 1 at LCDOP National Auditor, Pangasinan Provincial Population, Cooperative, and Livelihood Development Officer Ellsworth G. Gonzales, LCDOP-Pangasinan Treasurer at Bayambang Municipal Cooperative Development Officer Albert A. Lapurga, mga kawani ng kooperatiba at focal persons mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod at mula sa pamahalaang panlalawigan.

Sa pulong ay tinalakay ang mga sumusunod na paksa: 11th National Tripartite Conference Updates, Updates from the National and Regional LCDOP, Proposed Projects/Activities of LCDOP Pangasinan, Cooperative Month Celebration 2023, CDA Updates and Issuances, at Orientation on Inspection of Cooperatives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *