Alinsunod sa programa ng DILG at Memorandum Circular na nagpapaigting sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga, nakiisa ang mga kabataang Bayambangueño at mga SK official sa “Buhay Ingatan, Droga ay Ayawan” (BIDA) 1st year anniversary. Ito ay ginanap sa Baywalk, Capitol Compound, Lingayen, noong ika-4 ng Mayo, 2024.
Dito ay inilunsad ang “Pleasure Without Drugs – Pangasinan Anti-Drug Use Prevention Campaign,” na naglalayong magbigay kamalayan sa madla hinggil sa mga mapanganib na epekto ng paggamit ng ilegal na droga. Sa kampanyang ito, hinihikayat ang mga kabataang Pilipino na magkaroon ng positibong paraan ng pag-eenjoy at pagpapalipas-oras nang di nangangailangan pa ng paggamit ng droga.
Ang mga kalahok ay tinipon ni SK Federation President Marianne Cheska B. Dulay at Local Youth Development Officer Johnson R. Abalos, at ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng buong Rehiyon Uno.
Sumali rin sa aktibidad ang ilang LGU employees, DepEd employees, at mga miyembro ng Zumba Bayambang. (nina: Khim Ambrie L. Ballesteros, Angelica Arquinez/RSO; larawan: DILG, SK)