Bayambang, Sabay-sabay na Nanood sa Ikatlong SONA ni PBBM

Sabay-sabay na tinunghayan ng mga lingkod bayan at residente ng Bayambang partikular na ang lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. noong Hulyo 22, 2024.

Ini-livestream naman ng lokal na pamahalaan ang SONA gamit ang Balon Bayambang FB Page upang mapanood ito ng bawat Bayambangueno.

Ipinalabas din ang SONA sa LED screen sa Royal Mall, at siniguro na naipahayag ito sa radio station via 87.5 Niñaaro Taka radio upang marinig din ng mga residenteng nakaantabay dito.

Nag-set up din ng mga TV sa bawat departamento at opisina ng Munisipyo upang matiyak na lahat ng kawani ng gobyerno ay sabay-sabay itong mapanood. (SGG, APV; JMB, LGU offices)