Bayambangueño, Finalist sa Young Farmers Challenge, Provincial Level

Isang Bayambangueño ang nakapasok ang entry sa provincial-level Young Farmers Challenge ng Department of Agriculture para sa taong 2023.

Ayon sa Municipal Agriculture Office, siya ay si Mr. Christian Lee S. Lapurga ng Brgy. Tampog. Ang kanyang entry para sa Startup Open Category ay isang native goat production project.

Ayon pa sa MAO, ang paligsahang ito ay sinalihan ng mga 19 na kabataan mula sa iba’t ibang bayan ng probinsiya ng Pangasinan. Ginanap ang face-to-face panel defense noong Aug 15, 2023 sa Pangasinan Research Experimental Center sa Santa Barbara, Pangasinan, kung saan isa-isa nilang idinipensa ang kaninilang mga business model. May 9 na pumasok sa finals, at isa nga si G. Lapurga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *