Blood Drive sa Idong, May 32 Donors

Ang Rural Health Unit III ay nagsagawa ng isa na namang blood donation drive sa pakikipagtulungan ng Idong Barangay Council at Philippine Red Cross San Carlos Chapter noong July 17 sa Idong Barangay Plaza.

Mayroong 40 na donors ang nagparehistro, at sa kabuuan, 32 ang naging successful donors.

Ang RHU III ay nakatakdang magsagawa ng iba pang blood donation drive sa Brgy. Inanlorenza sa darating na July 25 at sa Brgy. Reynado sa July 31.