BNHS Batch ’90, May Educational Community Service sa Macayocayo

Isa pang grupo ng alumni ng Bayambang National High School mula Batch 1990 ang nagsagawa ng isang Educational Community Service para sa 50 na pamilya noong December 28 sa Sitio Hacienda, Brgy. Macayocayo.

Ang grupo, na tinaguriang “TruePa ng ’90,” ay unang nagbigay ng seminar ukol sa financial literacy, at ito ay sinundan ng feeding at gift-giving activity.

Nagpamigay naman ng kalendaryo at nagsponsor ng tanghalian si Brgy. Macayocayo ex-Kagawad Marlon Cariño Matabang.

Ang aktibidad ay inorganisa ng BNHS Batch ’90 members na sina Marilyn T. dela Cruz, Tessie Reyes, Francisco Orcio, at Marilou Amor Cayabyab.

Ang pamaskong handog na ito ng mga makabagong Good Samaritan mula Bayambang ay suportado ni Macayocayo Brgy. Captain Mario G. Cariño. (by RSO; photos: BNHS Batch ’90)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *