Ang Bayambang National High School Batch ’91 ay nagdonate ng school supplies sa limang barangay noong May 19 at 20 at June 19, 2024.
Sa pangunguna ni BNHS Batch ’91 President Japar M. Macawaris, kasama ang mga miyembro kabilang si Councilor Amory M. Junio, sila ay namahagi ng mga sumusunod:
– 111 school bags sa Brgy. Warding (May 19)
– 115 school bags sa Brgy. Managos (May 19)
– 100 school bags para sa kinder at Grade 1 pupils ng Dusoc Elementary School (May 20)
– 130 packs ng school supplies (notebooks, ball pens, pencil sharpeners) sa Tococ East-West Elementary School at Alinggan-Banaban Elementary School (June 19)
Ang kabuuang donasyon ay nagkakahalaga ng P50,000. (RSO; BNHS Batch ’91)