BNS, Nag-elect ng Officers at Inupdate ukol sa RCBMS

Ang mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng Bayambang ay pinulong ng Municipal Nutrition Action Office noong  February 20, sa Balon Bayambang Events Center upang maghalal ng bagong set of officers.

Nagwagi bilang President si Emalyn Lacerna. Siya ay sinundan ni Teresita de Guzman bilang Vice President, Rosemari Domantay bilag Secretary, Annaliza Natividad bilang Treasurer, Jonalyn Centeno bilang Auditor, Shirley dela Cruz bilang PIO, at Sarah Joy de Vera bilang Business Manager.

Ang mga BNS ay inupdate din ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ukol sa mga dapat gawin tungkol sa Restructured Community-Based Monitoring System, isang mandatory data bank sa barangay-level para sa lahat ng LGU sa bansa. Ang mga BNS ang naatasan ng LGU na mag-update ng naturang datos sapagkat sila ang isa sa mga frontliner ng pamahalaan sa lebel ng barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *