Kasunod ng pinakahuling validation activity na isinagawa ng ESWMO, nasungkit ng Brgy. Nalsian Norte sa unang pagkakataon ang grand prize para sa Bali-balin Bayambang 2.0 para sa buwan ng Mayo, pahayag ni MENRO Joseph Anthony F. Quinto ngayong araw, Hunyo 10, 2024.
Nakatanggap ng sertipiko ang Brgy. Nalsian Norte at ginawaran ng mga bougainvillea cuttings at soil ameliorant bilang bahagi ng kanilang premyo.
Alinsunod sa plano ni Mayor Niña Jose-Quiambao na gawing “bougainvillea capital of the Philippines” ang Bayambang, binibigyang-diin ng ‘clean-and-bloom’ contest ang kahalagahan ng partisipasyon ng komunidad sa pagkamit ng layunin tungo sa makulay at malinis na Balon Bayambang.
Narito naman ang listahan ng mga barangay na napabilang sa Top 10:
Top 2 – Caturay
Top 3 – Tatarac
Top 4 – Magsaysay
Top 5 – Ambayat 2nd
Top 6 – Ambayat 1st, Carungay, at M.H. Del Pilar
Top 7 – Pangdel
Top 8 – Zone III
Top 9 – Bongato East
Top 10 – Warding at Cadre Site
Narito naman ang mga barangay na nanguna kada distrito:
District 1 – Brgy. Ambayat 2nd
District 2 – Brgy. Bongato East
District 3 – Brgy. Sancagulis
District 4 – Brgy. Tatarac
District 5 – Brgy. Caturay
District 6 – Brgy. Tococ East
District 7 – Brgy. Sapang
District 8 – Brgy. Nalsian Norte
District 9 – Brgy. Magsaysay
Ang patuloy na inisyatiba na ito ay binibigyang-diin ang pangako na pasiglahin ang isang umuunlad na komunidad sa pamamagitan ng pagtiyak ng malinis, ligtas, at komportableng kapaligiran sa bawat sulok ng bayan.