Buong Pamayanan, Muling Nagtulung-tulong sa Brigada Eskwela 2024

Nagtulung-tulong ang lahat ng sektor ng ating pamayanan, kabilang na ang LGU-Bayambang, upang maisagawa ang Brigada Eskwela 2024, na naglalayong isulong ang kolaborasyon ng lahat ng sektor upang gawin kumbinyente ang learning environment sa lahat ng paaralan.

Matatandaang namigay ng Brigada package ang LGU-Bayambang na siyang magagamit sa paglilinis ng lahat ng kalahok sa brigada sa lahat ng pampublikong paaralan, salamat sa lahat nang nagbayad ng tamang buwis (amilyar o real estate tax) na siya namang napupunta sa Special Education Fund ng LGU. (RSO; JMB)