CDC Learners, Humataw sa Children’s Festival 2023

Ang Children’s Festival 2023 ay matagumpay na idinaos ng Bayambang Child Development Workers Association, sa ilalim ng superbisyon ng MSWDO, noong December 15, 2023, St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Ito ay nag-umpisa sa isang parada sa umaga, at sinundan ng isang Christmas Zumba Competition, kung saan nagwagi ang CDC Learners Cluster 6 sa pagkendeng at paghataw.

Kinahapunan ay nagkaroon ng isang Coronation Ceremony kung saan naging Mr. & Ms. Pre-K 2023 sina Reecko Valhein R. Mendoza ng Mangayao CDC at Erza Mae Y. de Jesus ng Tampog CDC. (by RSO/Photos: MSWDO)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *