DA-PhilRice, Muling Nagpa-workshop sa RiceBIS 2.0 Bayambang Site Working Group

Ang DA-PhilRice ay muling dumating sa Bayambang upang magbigay ng isa na namang workshop, ang RiceBIS 2.0 Bayambang Site Working Group (SWG) Workshop and Program Launching. Ito ay ginanap noong  Nobyembre 28, 2023, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Naroon si Vice Mayor Ian Camille Sabangan upang batiin ang mga kalahok, na kinabibilangan ng PhilMech, Cooperative Development Authority, DA-Bureau of Plant Industry, Office of the Provincial Agriculturist, MAO, MCDO, BPRAT, at ang lokal na kooperatiba na RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative o RBAC.

Ang naturang workshop ay may layuning pagtibayin ang samahan ng mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tungo sa pag-suporta sa RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *