District 7 Farming Cluster, Tumanggap ng 4-Wheel Tractor mula DA

Noong Setyembre 20, 2023, tumanggap ang Bayambang District 7 Cluster Organization Inc. ng isang four-wheel tractor na nagkakahalaga ng P3.4 million bilang parte ng Corn Banner Program ng Department of Agriculture.

Ito ay iginawad sa Department of Agriculture-Pangasinan Research and Experiment Center, Sta. Barbara, Pangasinan.

Naroon din ang Municipal Agriculture Office Corn Banner personnel na silang umasiste sa aplikasyon ng naturang organisasyon.

Layunin ng programa ang mapahusay ang sistema ng pagsasaka at ang kalidad ng serbisyo para sa mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *