Sa pagtutulungan ng lokal na pamamahalaan sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao katuwang ang Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., tinanggap ng Don Teofilo Elementary School sa Brgy. Ligue ang mga kagamitang magagamit ng mga guro at mag-aaral sa pagbubukas ng bagong tayong paaralan sa darating na pasukan.
Ang mga school equipment na pinondohan ng Special Education Fund ng Local School Board ay personal na tinanggap ng Punong Guro ng Don Teofilo ES na si Dr. Jenny Marquez ngayong araw, June 5, 2024.
Ang bagong paaralan na donasyon ng pamilya Quiambao ay may tatlong classroom at isang silid para sa Principal’s Office, at nakahanda nang tumanggap ng enrollees sa kindergarten hanggang Grade 3 level sa taong panuruan 2024-2025.
Ang lupang kinatitirikan ng paaralan ay donasyon ni Don Teofilo Mataban.
Dahil sa proyektong ito, hindi na kailangan pang lumayo ng mga mag-aaral sa Brgy. Ligue, na dati ay kailangan pang mang-enrol sa katabing barangay ng Amanperez. (nina Daryl M. Mangaliag, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ernesto Lopez)