Empleyado ng Motorpool, Nagsurrender ng Napulot na Wallet

Isinurrender ni Amadito Vinluan, isang empleyado ng Municipal Motorpool, sa Administrator’s Office noong February 09,2023 ang isang wallet na naglalaman ng cash at mga ID at kanyang napulot sa Brgy. Bani.

Napag-alaman sa isang public Facebook post na pagmamay-ari ng isang babaeng nagngangalang Babylene B. Ramos ang napulot na wallet, kaya’t ito ay kaagad na kinontact ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad sa comment box.

Kaagad ding na-claim ng may-ari ang wallet nito sa naturang tanggapan sa pamamagitan ng kanyang pinsan na taga-LGU.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *