Nagpamahagi ang Nutrition Office ng mga food items para sa taunang implementasyon ng 90-Day Dietary Supplementation Program (DSP) ng tanggapan. Ang mga food items na ito, na pinondohan ng LGU, ay nakalaan para sa undernourished at indigent na 6- to 59-month old children.
May 500 na bata ang recipient ng programa mula sa 74 barangays.
Kabilang sa mga items ang bigas, itlog, munggo, tinapay/biskwit, prutas, iodized salt, at vegetable cooking oil.
Isinagawa ang distribusyon ng mga food items sa tulong ng BNS, BHW, at Barangay Nutrition Committee noong August 7, 2024 sa Balon Bayambang Events Center. (RSO; JMB)