Ang RHU, sa tulong ng Dermatology Department ng Region I Medical Center, ay nag-sponsor ng isang libreng dermatologic (skin diseases) consultation and treatment noong August 19, 2024 sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion 1.
May 56 residente ng Bayambang na may iba’t ibang problema sa balat ang nag-avail ng mga libreng serbisyo.
Bago ang konsultasyon, nagkaroon din ng isang maikling lecture ukol sa skin diseases at proper skin care.
Kabilang sa mga nagbigay ng libreng serbisyo sina Dr. May F. Gonzales, department head; Dr. Gladys Rayos, assistant department head; Dr Ma. Aurora Rosario; Dr. Mari Najera; Dr. Roice Caguioa; Dr. Wel Mendoza; Dr. Monnette Morante; Dr. Pamela Hernando; Dr. Shaira Rabang; at Dr. JJ Danac. (RSO; RHU)