Ginang, Binigyan ng Libreng Prosthetic Leg

Lubos na nagpapasalamat si Gng. Letecia M. de Guzman ng Brgy. Ligue kay Mayor Niña Jose-Quiambao pati na rin sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), matapos niyang matanggap ang prosthetic leg noong August 17, 2024 na galing sa Kapampangan Development Foundation na nakabase Pampanga.

May apat pang Bayambangueño na PWD ang sumailalim naman sa prosthesis assessment noong August 16 upang makuha ang saktong sukat ng kani-kanilang prosthesis.

Sila ay sina Raquel Ramos ng Brgy. Bani, Analyn Mendoza ng Brgy. Alinggan, Andres Mendoza ng Brgy. Beleng, at Tilrinidad Ramirez mula naman sa Brgy. San Gabriel 1st. (SUG/RSO; MSWDO)