Gov. Guico at Vice Gov. Lambino, Namahagi ng Financial Assistance sa Barangay Frontliners

Noong December 17, dumating sina Governor Ramon Guico III at Vice-Governor Mark Ronald Lambino, para sa isang Christmas Fellowship Program na ginanap sa Bayambang National High School Gym upang mamahagi ng financial assistance sa lahat ng mga barangay frontline worker ng Bayambang, kabilang ang mga Barangay Health Worker, Barangay Nutrition Scholar, Barangay Service Point Officer, at Child Development Worker.

Ayon sa Facebook page ng provincial government, “Bawat isa ay tumanggap ng P2,000 financial assistance bilang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang sakripisyo at dedikasyon.”

Naroon din sina BM Vici Ventanilla, Liga ng mga Barangay President Raul R. Sabangan, Bayambang District Hospital Director, Dr. Athena Marie Merrera, Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, at RHU Physician Roland M. Agbuya. (RSO/Photos: Pangasinan Province Facebook page)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *