Muling pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga kapitan ng barangay upang talakayin ang mahahalagang usapin at hinaing ng bawat barangay at masigurong may tamang tugon ang bawat isyu na kanilang kinakaharap.
Kabilang sa mga naging usapin ay ang mga sumusunuod:
1. Pagsumite ng Barangay Financial Reports 2023-2024
2. Patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan
3. Fogging operations
4. Clean and Bloom Project
5. Zero Open Defecation (ZOD) regional validation
6. Isyu ukol sa mga dumadaang cargo truck sa Calvo Bridge
Sa pagtatapos ng pulong, binigyang-diin ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat barangay upang matugunan ang mga hinaing at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa bayan ng Bayambang.
Ang aktibidad ay ginanap noong ika-12 ng Agosto, 2024 sa Balon Bayambang Events Center.