Ibong Ilang at Musang, Isinurrender sa MENRO

Isang ibong ilang na napag-alaman mula sa DENR bilang isang black-crowned night heron (Nycticorax nycticorax) at isang musang o Philippine palm civet (Paradoxurus philippinensis o kuyangen sa lenggwaheng Pangasinan) ang isinurrender ng ilang residente sa pangangalaga ng MENRO noong July 29, 2024, matapos ang mga ito ay matagpuang sugatan sa kanilang lugar.

Agad naman itong ibiniyahe ng ESWMO staff sa CENRO Dagupan upang ang mga naturang wildlife ay maassess at marehabilitate bago pakawalan sa kani-kanilang natural habitat.

Ang tagak at musang ay itinurn-over ng ESWMO staff kina Environmental Monitoring Officer Philip Matthew R. Licop at Environmental Management Specialist II Ma. Angelica S. Esteban ng CENRO Dagupan.

Nauna nang inihatid ni Nemecio Mariñas Jr. ng Brgy. Tococ East ang naturang musang sa Tococ East Barangay Hall noong July 28, 2204, samantalang ang black-crowned night heron naman ay nauna nang isurrender ni Julius Taliño ng Brgy Ataynan  kay Dr. Joselito P. Rosario ng Municipal Agriculture Office ngayong araw. (RSO; MENRO/ESWMO)