Ilang piling kawani ang sumabak sa isang 3-Day Training-Workshop upang maging Internal Quality Auditor (IQA), sa hangarin ng LGU na pag-ibayuhin pa ang kalidad ng mga serbisyo ng bawat departamento nito.
Ang training-workshop ay ginanap noong July 1-3, 2024 sa Mayor’s Conference Room.
Sa pagpapalakas ng pwersa ng IQA team ng LGU, magkakaroon ng mga competent staff na siyang magsusuri ng istriktong implementasyon ng Quality Management System ng lahat ng departamento nang matiyak na de-kalidad ang serbisyong kanilang inihahatid sa mga Bayambangueño at iba pang kliyente.
Ang naturang training ay inorganisa ni ICT Officer Ricky Bulalakaw, at naging tagapagturo naman si Atty. Agustin D. Aldea ng Neo Amca Innovative Solutions Corp.
Bukod pa sa training, kinailangan ding maipasa ng mga aspiring IQAs ang isang pagsusulit na magpapatunay kung sila ba ay kwalipikadong makatatanggap ng sertipikasyon upang maging ganap na bagong miyembro ng IQA team ng LGU. (SUG/RSO; EPS)