Investment Forum, Isinagawa ng M.C.D.O.

Noong September 5, 2023, isang investment forum ang isinagawa ng Municipal Cooperative Development Office sa Mayor’s Conference Room upang makapag-identify ng qualified na kooperatiba na magkoco-manage ng isang cold storage facility at agribusiness hub o trading post na itatayo ng LGU sa ilalim ng PRDP Scale-Up Program ng Department of Agriculture.

Ayon sa MAO at BPRAT, mahalaga na magkaroon ng isang cold storage sa Bayambang dahil ang ating bayan ang numero unong producer ng sibuyas sa Region I. Kapag may cold storage, naeextend ang shelf life ng produktong sibuyas at di na kailangang dumayo pa ng local onion farmers sa ibang rehiyon upang makapag-imbak ng kanilang ani.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *