Isa na namang Scops Owl, Natagpuan at Dinala sa MENRO

Isa na namang kuwago na scops owl species ang isinurender ng MENRO sa DENR Dagupan, noong August 9, 2023.

Ayon kay MENRO Joseph Anthony F. Quinto, ang kuwago ay isinurender nina Jowena dela Cruz Bautista at Kenjieryn U. Granada mula sa Brgy. Inirangan kahapon, August 8, 2023, matapos umanong mahulog ang naturang ibon mula sa puno ng mangga.

Nakatakdang dalhin ng DENR-Dagupan ang nahuling ibon sa Wildlife Rescue Center nito sa Mangatarem, Pangasinan.

Ito ang pangwalong kuwago na naiulat ng MENRO na boluntaryong isinurender ng mga residente simula 2022.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *