Isa na Namang Traffic Enforcer, Nagbalik ng Napulot na Salapi

Isa na namang traffic enforcer ng Bayambang Public Safety Office ang kusang nagbalik ng napulot na pera.

Ayon sa ulat ng BPSO, noong October 28, nakapulot ng isang papel na naglalaman ng P3,000 si BPSO Traffic Enforcer Joan Perfecto Ceralde habang siya ay naka-duty sa may pedestrian lane sa tapat ng Royal Mall.


Agad niya itong inilapit sa opisina upang agaran ding maibalik sa may-ari.

Agad din namang natukoy ang pagkakakilanlan ng nakahulog ng papel sa tulong ng nakalakip na ID card, at ito ay si Cherry T. Zarate, empleyado ng Sto. Niño Hospital-Bayambang.

Mangiyak-ngiyak na nagpasalamat si Zarate sa ating butihing traffic enforcer. Ang napulot na pera ay inabot sa kanya mismo ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *