Isa Pang Honest Employee ng LGU, Pinasalamatan

Isa pang honest employee ng LGU-Bayambang ay umani ng pasasalamat matapos nitong ibalik ang mga napulot na cell phone at wallet na may cash sa mga nagmamay-ari nito.

Siya ay si Sergio delos Santos ng Sangguniang Bayan, na dati ring nanilbihan bilang Sangguniang Kabataan member ng Brgy. Langiran at kilalang isang talented at napakamatulungin na nilalang, bukod pa sa pagiging napakasipag na empleyado ng SB bilang sekretarya ng Liga ng mga Barangay.

Ayon kay Sergio, na mas kilala sa Sergs, ito na ang pangatlong pagkakataon na siya ay nagbalik ng napulot na cell phone o wallet sa mga may-ari nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *