Japanese-inspired Christmas Village, Dinayo ng “Dapat Alam Mo!”

Ang ilang cast at crew ng programang “Dapat Alam Mo!” ng GTV ng GMA network ay bumisita sa Bayambang noong December 13 upang itampok ang kakaibang Christmas Village sa Paskuhan sa Bayambang 2023.

Ang kanilang mini-host na si Chitae Copy Face, na kopyang-kopya ang komedyanteng si Rene Requiestas, ay lumibot sa bawat sulok at namangha sa kakaibang konsepto ng Japan-inspired Christmas Village.

Tunay nga na gumagawa ng ingay ang bayan ng Bayambang hindi lamang sa buong probinsya kundi maging sa buong Pilipinas at sa labas ng bansa kung kaya’t ito’y dinarayo ng mga sikat na personalidad at itinatampok ng mga kilalang programa mapa-sa-telebisyon man, radyo, o online.

Ayon sa mga crew, ang coverage nilang ito ay kanilang maipapalabas on-air sa mga susunod na araw bago ang pagsapit ng Pasko.

(by Sheina Mae U. Gravidez/RSO; photos: JMB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *