Kadiwa Rolling Store, Dumayo sa Bayambang

Dinala ni Pangasinan Governor Ramon ‘Mon-mon’ Guico III ang Kadiwa ni Ani at Kita Retail Selling Program sa harap ng Balon Bayambang Events Center ngayong araw, August 25, 2023. Ang mobile store na ito ay inisiyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong mapalakas ang sektor ng agrikultura at mapanatili ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng dekalidad na pagkain sa bansa sa murang halaga.

Pinasinayaan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony sa pangunguna nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr., at Provincial Agriculturist Dalisay Moya, kasama si Provincial Market Specialist Corazon Valdez.

Tampok sa naturang aktibidad ang 20 retailing stores na mula sa ibang bayan sa Pangasinan na may iba’t ibang produkto, gaya ng mga alternatibo at masustansyang food products.

Sa kabuuan, ang Kadiwa Program na umiikot sa iba’t-ibang bayan ay isang malaking hakbang upang direktang maikonekta ang mga produkto ng mga lokal na magsasaka sa mga mamili para sa kapakinabangan ng dalawang sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *