Kasalang Bayan 2024, Mala-5-Star Hotel ang Wedding Arrangement, May Cash Gift Pa mula Kay Mayor Niña!

Ginawang mala-5-star hotel ang datingan ng katatapos na Kasalang Bayan 2024 sa Events Center.

Ayon kay Local Civil Registrar Ishmael ‘Jojo’ Malicdem, Jr., P300,000 lamang ang budget nito ngayong taon, ngunit nagawa nilang magbigay sa 51 couple’s ng “couple picture with big frame, cakes, food, live band, at magandang wedding arrangements.”

Meron ding pa-cash gift aniya sina Mayor Niña at SATOM Cezar na tig-P5,000 kada bagong kasal.

Mabuhay ang mga bagong kasal!

(ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *