Isang talakayan tungkol sa kahirapan at populasyon ang idinaos ng Bayambang Poverty Reduction Action Team noong Agosto 27, 2024, sa Balon Bayambang Events Center bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-pitong taon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Dinaluhan ito ng mga estudyante mula sa Bayambang Polytechnic College at St. Vincent’s Catholic School of Bayambang Inc., pati na rin ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK), Barangay Service Point Officers, barangay population workers, at iba pang mga kawani ng mga barangay.
Bilang resource speaker, tinalakay ni Population Commission Region 1 Assistant Regional Director Wilma E. Ulpindo ang masalimuot na relasyon ng kahirapan at paglaki ng populasyon. Binigyang-diin niya rin ang kahalagahan ng sex education at family planning bilang mga susi sa paglutas sa naturang suliranin.
Sa isang video presentation naman, binigyang-diin ni Ptr. Jeff Elizcupides ang kahalagahan ng personal responsibility laban sa makamundong tawag ng laman sa mga mapupusok na kabataan.
Samantala, isang ginang mula sa Brgy. Malioer na 4Ps member ang nagbahagi ng kanyang nararanasang kahirapan sa pagtataguyod ng kanyang 11 na anak. Bilang tulong, siya ay binigyan ng groceries ng lokal na pamahalaan. (APV/RSO; AG)