KSB Year 6, Nagpatuloy sa Pantol

Dumiretso ang buong pangkat ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 (KSB Y6) sa Obillo Elementary School (OES) sa Brgy. Pantol ngayong araw, October 13, 2023. Hindi nila inalintana ang haba ng biyahe sa paglapit ng mga libreng serbisyo mula sa Municipio para sa mga residente ng naturang barangay. Tunay ngang walang pinipiling lugar ang paghahatid ng Total Quality Service.

Malugod na tinanggap ang KSB Y6 Team ng mga residente ng barangay, sa pangunguna ni Pantol Punong Barangay Jose Perez at OES faculty Rebecca Lafradez.

Sa mensahe ni Mayor Niña Jose-Quiambao, pinaramdam niya na ang buong LGU-

Bayambang ay laging maaasahan sa panahon ng pangangailangan kahit gaano man kalayo ang kanilang lugar. Aniya, “Ang pagmamahal at pagtulong ay walang pinipiling lugar, kahit saang sulok ng ating bayan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *