KSB Year 6 | Sa Nalsian Naman

Dinagsa ng mga residente ng Barangay Tamaro, Nalsian Norte, at Nalsian Sur ang ginanap na Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 (KSB Y6) noong August 18, 2023, sa Nalsian Elementary School. Ang buong pangkat ng KSB Yr6 ay muling umariba upang ipagkaloob sa mga dumalo ang libreng serbisyo mula sa Municipio.

Sinalubong ni Nalsian ES School Principal Sonny Claveria, kasama ang lupon ng mga guro, BHWs, CVOs at mga residente ng tatlong barangay, ang buong grupo ng KSB Y6 team sa walang humpay sa pagbibigay serbisyo publiko na may tatak Total Quality Service.

Dinaluhan ang maikling pambukas na programa nina Coun. Amory Junio, Coun. Martin Terrado II, Kasama Kita sa Barangay Foundation COO Romyl Junio, kung saan kanilang kinumusta ang mga dumalo at inenganyo ang mga ito na magtulungan at magkaisa sa pagpuksa sa kahirapan at krimen sa bayan.

Sa AVP message ni Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod niyang inanunsiyo ang kaliwa’t kanang oportunidad gaya ng negosyo at trabaho para sa lahat ng Bayambangueño.

“Ang LGU-Bayambang ay laging naka-antabay sa pagtulong sa bawat isa,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *