Latest TUPAD Payout, May 438 PWD Beneficiaries

Noong September 28, muling nagrelease ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bagong batch ng payment para sa mga Persons with Disabilities (PWD) mula sa 75 na barangay na napabilang sa latest batch ng mga benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced Workers.

Ang payout na isinagawa sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ay mayroong 438 PWD beneficiaries na naglinis ng sampung araw mula August 24 hanggang September 2, 2023 sa kani-kanilang barangay. Sila ay nakatanggap ng tig-P4,000.

Naroon naman sa payout sina PESO head, SLEO Gernalyn Santos, at ang kanyang staff na si Dennis Flores upang magbigay ng mensahe sa mga benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *