LCR, Nag-Conduct ng Training sa Tamang Pagproseso ng Registry Forms

Ang Local Civil Registry Office ay nagbigay ng isang orientation at training sa layuning mahasa ang kaalaman ng mga RHU, ospital, at lying in/birthing home sa wastong pagpoproseso ng registry forms, partikular na sa birth at death certificates.

Sa pangunguna ni Local Civil Registrar Ismael D. Malicdem Jr., ipinaliwanang sa aktibidad ang mga sumusunod na paksa: “Civil Registration,” “Specific Instructions in Accomplishing the Certificate of Live Birth, Certificate of Death, and Certificate of Fetal Death,” at “Updates on Civil

Registration Law, DOH Law, at “Memo/Circulars.”

Naroon naman sina MHO, Dr. Paz F. Vallo, kasama ang mga staff ng mga RHU, Bayambang District Hospital, Sto. Niño General Hospital, at Bani Birthing Home.

Ang training ay ginanap sa Mayor’s Conference Room noong Disyembre 14.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *