Muli na namang nag-award ang Local Civil Registrar ng mga birth certificate in security paper (SECPA), bilang parte pa rin ng proyekto nito na magbigay ng libreng delayed registration of birth sa malalayong barangay, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority.
Noong July 23, 2024, ang LCR team ay nagtungo sa Barangay Hermoza Covered Court upang mag-award ng SECPA birth certificate sa mga sumusunod na bilang ng residente:
Hermoza – 16
Apalen – 13
Malioer – 7
Dusoc – 2
Pangdel – 1
Noong July 24, 2024 naman, sila ay ang nagtungo sa Barangay Sanlibo Covered Court upang mag-award ng SECPA birth certificate sa mga sumusunod:
Sanlibo – 11
Caturay – 6
Inanlorenza – 5
Idong – 3
Sa kabuuan, mayroong 68 na total beneficiaries ang kanilang natulungan sa naturang aktibidad. (RSO; LCR)