LGU-Bayambang at Provincial Officials, Nagpulong para sa Isang Malaking Medical Mission

Ang LGU-Bayambang ay nakipagpulong sa Pangasinan provincial officials upang talakayin ang isang malaking medical mission na gaganapin sa bayan ng Bayambang simula January 15 hanggang January 19, 2023.

Ang pulong ang ginanap sa Mayor’s Conference Room noong January 3, 2023, at kabilang sa mga dumalo ang mga opisyal ng Provincial Hospital Management Services, Pangasinan Provincial Hospital, at Bayambang District Hospital.

Sa pulong ay isinaayos ang mga detalye at isyu patungkol sa maayos na delivery ng iba’t ibang medical services sa naturang medical mission na pangunguna ng Philippine Medical Society of Northern California, sa inisyatibo ng lola ni Mayor Niña Jose-Quiambao na sina Dr. Carmencita Jose.

Nakatakdang ganapin ang medical mission sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, Brgy. Bani, Bayambang, at Pangasinan Provincial Hospital, Bolingit, San Carlos City.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *