LGU-Bayambang, DA-PRDP Equitable Compensation Advocate Awardee

Ang LGU-Bayambang ay nakatanggap ng isang Equitable Compensation Advocate Award mula sa DA-Philippine Rural Development Project (PRDP), sa isang seremonyang ginanap noong ika-27 ng Pebrero, 2024, sa Subic Bay, Olongapo City, Zambales.

Ang pagkilalang ito ay dahil sa isang makatarungan at patas na pagbibigay ng kompensasyon sa lahat ng miyembro ng Project-Affected Persons o (PAPs) sa naturang major infrastructure project.


Ayon sa DA-PRDP, matagumpay na tiniyak ng LGU-Bayambang na ang mga naturang apektadong indibidwal ay aktibong nakilahok at naiintindihan ang patakaran sa kompensasyon para sa nasabing proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *