LGU Employees, Nagpapasalamat sa Bagong Unipormeng Bigay ni Mayor Niña at Sir Cezar para sa Taong 2024

Muli na namang nagbigay ng bagong uniporme si Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, para sa bawat empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa taong 2024.

Ang mga libreng uniporme ay ipinamahagi sa Events Center noong February 27, 2024, ng ICT Office sa iba’t ibang opisina.

Lubos ang pasasalamat siyempre ng mga empleyado ng LGU sapagkat malaking katipiran ito sa kanilang gastusin at alalahanin sa araw-araw na pagpasok, lalo na’t ang uniporme ay wash-and-wear — madaling labhan at madaling patuyuin.

Ang pamimigay ng libreng high-quality uniforms para sa mga empleyado ng LGU ay nakagawian na ng pamilyang Quiambao taun-taon upang magamit ng mga kawani sa paghahatid ng maayos na serbisyo publiko sa bawat mamamayang Bayambangueño.

Ayon sa pinakahuling tala ng HRMO, ang LGU-Bayambang ay may kabuuang 903 na empleyado.

(ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni: JMB, Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *