LGU-MNC, Muling Humakot ng mga Award sa Gawad Parangal ng Nutrisyon-Rehiyon Uno 2023

Muling humakot ang LGU-Bayambang ng mga award sa katatapos na Gawad Parangal ng Nutrisyon-Rehiyon Uno 2023 ngayong araw, Nobyembre 23, sa Hotel Ariana, Bauang, La Union.

Kabilang dito ang main award na Green Banner Seal of Compliance for Nutrition, kung saan ang LGU ay may 96.78% na score, at ito ay tinanggap ng Bayambang Municipal Nutrition Council Chairperson na si Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ni Vice-Mayor IC Sabangan.

Itinanghal na kampeyon naman si Bayambang MNAO Venus Bueno bilang 2022 Local Nutrition Action Officer of the Year-Region 1.

Mayroon ding special awards ang LGU-Bayambang na LGU First 1000 Days (F1K) Adopter at LGU with Established Nutrition Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *