LGU, Nakiisa sa Provincial Tree-Planting Activity

Bilang parte ng Pangasinan Green Canopy Program ng provincial government, nagkaroon ng isang tree-planting activity sa Tampog Elementary School ngayong araw, July 4, 2024, katuwang ang Provincial Population, Cooperative, and Livelihood Development Office (PPCLDO), kasama ang Cooperative Development Office at ESWMO.

Ito ay isang inisyatibo para sa konserbasyon at pangagalaga ng kalikasan para sa lahat ng Pangasinense.

Kabilang sa mga participants sina MCD Officer Albert Lapurga, ESWMO SEMS Eduardo Angeles Jr., Tampog PB Zaldy Elorde at mga barangay Kagawad at CVOs, PTA officers, cooperative members (RBAC, BOD, BAYMACDA TC, NBMPC, etc.), at PIMRO staff.

Tumulong naman ang ESWMO/MENRO sa pamamagitan ng pagbibigay ng soil ameliorants. (KLB, RSO; JMB)