LGU Officials at BMCCA, Nagplano para sa Pistay Baley 2024

Isang pulong ang ginanap kanina upang planuhin ang mga line-up ng aktibidad para sa Pistay Baley 2024.

Ito ay pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ni Vice-Mayor IC Sabangan, DPA, at Municipal Administrator, Atty. Rajini Sagarino-Vidad, kasama ang mga Municipal Councilors at MTICAO sa pangunguna ni Dr. Rafael L. Saygo.

Naroon lahat ng mga department head at representatives, agency head representatives, at mga miyembro ng Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts.

Kabilang sa mga tinalakay ang limang tradisyunal na aktibidad sa fiesta week at ang magiging tema sa taong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *