Ang mga opisyal ng Munisipyo, pati na ang lahat ng department and unit heads, ay sumailalim sa isa na namang leadership training-seminar.
Ito ay ginanap sa loob ng dalawang araw sa Events Center, kung saan naging speaker at trainor ang mga taga-Hero Strategies Consulting Services (Hero Group).
Sa loob ng dalawang araw mula July 22 hanggang 23, 2024 sa Balon Bayambang Events Center, ang mga lider ng bayan ay nakinig sa mga lecture at nakilahok sa mga aktibidad patungkol sa values-based leadership, maging sa public speaking, upang maging mas epektibong tagapamahala.
Kabilang sa mga naging paksa ang ukol sa transparency, accountability, at integrity, at “Managing One’s Department’s Resources” at “Getting the Best Out of One’s Team.”
Nagkaron din ng mga simulation training at activity-based training upang gawing interactive ang mga nabanggit na konsepto.
Naging resource speaker-facilitators sina Mr. Jackson Natividad, ang founder ng Gintong Aral Community Development Inc.; Ms. Lormie D. Garay, CEO ng Hero Consulting; at Mr. Jef Menguin, president ng Strategic Learning Consultants, Inc. (RSO; AG)