Lote para sa Panukalang Bani Covered Court, Minarkahan Na!

Nagtungo ang ilang kawani ng Assessor’s Office sa Barangay Bani noong May 22 upang markahan ang loteng masasakupan ng panukalang Covered Court sa lugar.

Isa ang Bani sa iilan na lamang na barangay sa Bayambang na wala pang covered court at sa lalong madaling panahon ay sa wakas mapatatayuan na nito. (ni Shin Gravidez; larawan: Assessor’s)