LSB, Namahagi ng 140 Laptop sa DepEd Bayambang I at II

Noong December 18, 2023, nagpamahagi ang Local School Board sa mga guro ng DepEd Bayambang District I at II ng mga laptop.

May 140 units ng laptop ang naipamahagi gamit ang pondo mula sa LGU at Special Education Fund, kasama na rito ang donasyong sahod ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Sa mga makabagong kagamitang ito, mas mapapagaan ang paggawa ng mga guro ng mga learning material ng kanilang mga estudyante sa araw-araw. (by Vernaliza M. Ferrer/RSO; photos: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *