Mandatory Training para sa Bagong Batch ng SK Kagawad, Isinagawa

Ang mga bagong halal na mga Sangguniang Kabataan Kagawad ng Bayambang ay sumabak sa isang Mandatory Training, at ito ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong Nobyembre 10, 17, 20, at 22, 2023.

Layunin nito na ipaalam sa mga SK Kagawad ang mga responsibilidad na kaakibat ng posisyon na kanilang uupuan.

Ang training ay inorganisa ng LGU-Bayambang sa pamamagitan ng Local Youth Development Office at DILG, kung saan naging paksa ang mga sumusunod:

– Decentralization and Local Governance

– SK History and Salient Features

– Meetings and Resolutions

– Code of Conduct and Ethical Standards

Dito ay naging facilitators sina MLGOO VI Johanna Montoya, HRM Officer Nora R. Zafra, OIC MPDO Ma-lene Torio, Budget Officer Peter Caragan, SB Secretary Joel Camacho, at LYD Officer Johnson Abalos. (RSO; LYDO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *