Matapos ang flag-raising ceremony noong June 10 sa Events Center, tinanggap ni Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael L. Saygo, ang P5,286,400 na donasyon nina Mayora Niña Jose-Quiambao at Special Assistant to the Mayor (SATOM), Dr. Cezar T. Quiambao, para sa 340 na mag-aaral ng Bayambang Polytechnic College para sa kanilang tuition fee sa unang semester.
Kasama sa turnover ceremony sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, iba pang Sangguniang Bayan members, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.
Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral ng BPC sa donasyong pondo dahil nagangahulugan ito na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pag-aaral at pag-abot ng kanilang mga pangarap na makapagtapos sa kolehiyo. (nina Daryl M. Mangaliag, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)