Mayor Niña, May Munting Reward sa mga Winning Athletes at Coaches

Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, muling kinilala ng LGU ang mga nagsipagwaging atleta sa ginanap na Schools Division I Pangasinan Athletic Association Meet 2024, pagkatapos ng flag ceremony noong February 12, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.

Gaya noong nakaraang taon, nagtamo ng pinakamataas na ranggo ang DepEd Bayambang I at II sa nasabing palaro.

Bukod sa pagapruba ng P450,000 na financial assistance mula sa LGU sa pamamagitan ng Special Education Fund (SEF), si Mayor Niña ay nangako ring magbibigay ng jersey sa mga nagwaging atleta. Dagdag pa nito ang kanyang free treat sa bawat atleta at kanilang mga coach sa Niña’s Cafe sa mga susunod na araw.

Muli, isang taos-pusong pagbati sa mga nagsipagwagi. Mabuhay ang mga atletang Bayambangueño!

(ni Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *